FILIPINO

Pangungusap - nagsasaad ng buong diwa.

Mga uri ng Pangungusap:

1.  Pasalaysay - ito ay nagsasalaysay ng katotohanan at pangyayari. It ang nagtatapos sa tuldo (.)

2.  Pautos - ito ay pangungusap na kung saan naguutos o nakikiusap.

3.  Patanong - ito ay pangungusap na nagtatanong. Ang hulihan ng pangungusap nito nagtatapos sa tandang                         pananong ( ?).

4.  Padamdam - ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng pagkagulat, tuwa at lungkot.




Kayarian ng Pangungusap:


1.  Payak na Pangungusap - nagpapahayag ng isang ideya.  May simuno at panaguri ito na maaring 
      higit sa isa.
         Halimbawa :    Maganda at mabait si Lumeng.


2.  Tambalang Pangungusap - dalawang ideya o diwa ang ipinapahayag  na maaring magkatulad  o               magkasalungat.  Dalawang payak na pangungusap ang ipinagsama at pinaguugnay.
          Halimbawa :  Nagluluto si tatay ng pagkain  habang naglalaba si nanay.


 PANGNGALAN

Pangngalan  bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pangyayari.

  2 Katangian ng Pangngalan:

1. Pantangi - pangngalang nagsisimula sa malaking titik at tumutukoy sa tangi ngalan ng tao, bagay, hayop at
    lugar.   Halimbawa :  Mt. Makiling, Colgate

2. Pambalana - pangngalang tumutukoy sa pangkahalatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik . Halimbawa : libro, lalawigan

3. Lansakan - uri ng pangngalan ayon sa kailanan.Kadalasan may kabilang panlapi "ka",  "an" at "han". Halimbawa:  kabukiran, kabisayaan. tribu, kabahayan,dosena

    Kasarian ng Pangngalan:

1.  Panlalaki - tumutukoy sa partikular na panlalaki. Halimbawa: tiyo, kuya, Patrick
2.  Pambabae - tumutukoy naman sa partikular na pambabae. Halimbawa: nanay, lola, Angel
3. Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay. Halimbawa: papel, libro
4.  Di Tiyak - maaring babae o lalaki ang tinutukoy. Halimbawa: bata, guro

  Kailanan ng Pangngalan:

1. Isahan - kapag tao ang tinutukoy ito any ginagamitan ng si, ni, kay . At ang, ng, sa kapag mga pangngalan pambalana.
2. Dalawahan -  pangngalan gumagamit ng pantukoy tulad ng sina, sila,nina.
3. Maramihan - .Ito ay pangngalan pinagsasama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Ito ay ginagamitan ng panlapi ka, an at han.   Halimbawa : kalawakan, kabisayaan

   Kaanyuan ng Pangngalan:

1. Payak - walang katambal, hindi inuulit, at walang panlapi.  Halimbawa : sagisag, talumpati

2. Tambalan  - binubuo ng dalawang salita magkaiba na pinagsasama upang maging isa.
                       Halimbawa:  takip-silim, bahay-kubo

3.  Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na ginagamitan ng panlapi sa unahan, gitna at hulihan.
                     Halimbawa : sinabi , sayawan
4. Inuulit  - inuulit ang salitang ugat. Halimbawa: sama-sama, kitang-kita

Tuwirang layon (layon ng pandiwa) - pangngalang pagkatapos ng pandiwa ay sumasagot sa tanong na    ANO.
   Halimbawa : Nagsayaw ng tinikling ang mga lalaki.

Di tuwirang (layon ng pandiwa) pangngalang pagkatapos ng pandiwa ay sumasagot sa tanong ng KANINO.
    Halimbawa :  Binigyan ko siya ng tsokolate.


Mga tawag sa mga gamit na Pang - Industriya: 

Saw Kerf ang tawag sa daan ng lagare.
Mancono ang tawag sa pinkamatigas na kahoy.
Tubero ang tawag sa kumukumpuning gripo.
Latero ang tawag naman sa mangagawa ng timba, banyera at alulod.
Panday ang gumagawa ng mga kasangkapang may talim.
Brad Awl ang ginagamit na pangmarka o pangguhit sa metal.
1" x 12" x1 ang sukat ng isang boardfoot na kahoy.
Stickwell glue ang pinakamatibay na pandikit sa kahoy.
No.0 ang pinakapinong liha. At
No. 3 ang pinakamagaspang na liha.
Working Drawing ang tinaguriang lenguahe o wika ng industriya.
Pamatnubay ang ginagamit na guhit sa pagtititik.
Paayon  ang kailangan sa pagkakatam ng kahoy sa haspe/hilatsa ng kahoy.
Cross cut saw lagaring ginagamit sa pagputol ng pahalang sa hilatsa ng kahoy.
Miter joints uri ng pagdugtong ng kahoy na ginagamit sa mga frame o kuadro.
45 ang wastong anggulo/correct angle ng pagputol ng kahoy ng pahalang o pakros.
Alloy ang tawag sa isang metal na yari sa dalawahan o higit pang uri ng metal.
Martilyong de Kabra ginagamit sa pagbaon at pagbunot ng pako.
Tanso pangkaraniwang gingamit sa daluyan ng kuryente.
Pilak pinakamahusay na conductor ng elektrisidad.
Aluminyo pinakamagaan at pinakamasaganang metal.
Tingga ang pinakamabigat ng metal.
Tin Snip o Gunting sa Yero ginagamit na pangputol sa  manipis na metal tulad ng yero.
G.I. Sheet galvanized iron sheet. Ito ang hindi agad kinakalawang.
Zinc proteksiyon para hindi mangalawang ang iron/yero.
Galvanizing paraan ng pagtubog ng yero sa zinc upang hi agad kalawangin.
Asero metal na mahusay gamitin sa paggawa ng kasangkapan may talim.
Pag-rrematse, paghihinang, pagtitiklop at pagwewelding paraan ng pagdurugtong ng metal.
Brad Nail o Pakong Bakya para sa manipis na kahoy.
Finishing Nail ang mainam gamitin sa pagkakabit ng muwebles at mga cabinet.
Electrician nagkakabit ng house wiring/electrical fixtures o sirang sirkito sa bahay.
Lineman nagkakabit ng linya ng kuryente sa poste ng Meralco.
Selula o dry cell pinagmumulan o source ng simpleng sirkito.
220 volts lakas ng boltaheng dumadaloy sa linya ng kuryente sa ating bahay.
Kilowatt hour meter panukat sa nagamit na elektrisidad.